FACEBOOK
Ang Facebook ay isang social networking website na libre ang pagsali at pinapatakbo at pag-aari ng Facebook, Inc. na isang pampublikong kompanya. Maaaring sumali ang mga tagagamit dito nakaayos ayon sa lungsod, pinagtratrabahuan, paaralan at rehiyon upang makakonekta at makihalubilo sa ibang mga tao. Maaaring magdagdag rin ng mga kaibigan at magpadala ng mensahe sa kanila, at baguhin ang kanilang sariling sanaysay upang ipagbigay-alam sa kanilang mga kaibigan ang tungkol sa kanilang sarili. Tumutukoy ang pangalan ng website na ito sa mga mukhang nasa aklat na papel (paper facebooks) na sinasalarawan ang mga kasapi ng isang kampus na pamayanan na binibigay ng ilang kolehiyo at preliminaryong paaaralan sa Estados Unidos sa mga papasok na mga mag-aaral, guro o propesor, at mga trabahador bilang isang paraan na makilala ang ibang tao sa kampus.
TWITTER
Ang Twitter ay isang social networking at microblogging na serbisyo na nagbibigay kakayahan sa gumagamit nito na magpadala at basahin ang mga mensahe na kilala bilang mga tweets. Ang mga tweets ay ang mga text-based na mga post ng hanggang 140 mga karakter na ipinapapakita sa pahina ng profile ng may-kda at inihahatid sa mga tagatangkilik sa may-akda nakilala bilang mga followers (tagasunod). Maaaring rendahan ng tagagamit ang pagpapadala sa kanilang mga kaibigin, o sa pamamagitan ng default, kung saan maaaring makita ng lahat. Ang lahat ng mga user ay maaaring magpadala at tumanggap ng tweets sa pamamagitan ng website ng Twitter, Short Message Service (SMS) o panlabas na aplikasyon. Habang ang mga serbisyo mismo walang gastos sa paggamit, ang pag-access nito sa pamamagitan ng SMS ay maaaring magkaroon ng kaukulang bayad telepono sa service provider.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento